Size does not matter kay Pacman at Bagyong Bebeng

SALUDO tayo, Suki, dito kay Manny ‘Pacman’ Pacquiao.

Pinatunayan nito ang kasabihang “size does not matter.”

Hek! Hek! Hek! Halos magkasinglaki ang hayt at haba ng kamay (4-7 pulgada) na bentahe ni Shane Mosley laban sa “pandak” at maiigsi na mga braso ni Pacman.

Pero nakita naman ng lahat kung paano pinulutan ni Pacman si Mosley. Hanggang sa sabihin ni Mosley sa huli na ngayon pa lang siya nakaranas ng sobrang lakas ng isang kaaway, si Pacman.

Mining tu sey, Suki, maging si Floyd Mayweather, eh, hindi kasinglakas sa ring ni Pacman. Pinal na tanong ngayon: makipagpapatintero na kaya si Mayweather kay aydul Pacman?

Ewan natin dahil inasunto ng tsiks si Mayweather sa pambubugbog sa kanya at baka makulong pa ang mama.

Tsk! Tsk! Tsk! Bakit kaya nauwi sa pagboksing sa babae si Mayweather? Ah ewan!

oOo

Habang sinusulat natin ito, may siyam na kataong tinawag ni Lord sa pamamagitan ng bagyong Bebeng.

Umabot naman sa 10,000 ang stranded sa biyahe sa iba’t ibang lugar.

Eh signal namber wan at tu lang naman ito sa pagkakaroon lang ng hanging may bilis na hanggang 100 kilometro kada oras.

May buhos din ng ulan na naging sanhi ng mga pagbaha sa iba’t ibang lugar ngunit madali namang humupa.

Dahil sa mga kamatayan at iba pang hindi magandang nangyari, malaking katanungan ngayon sa mga kinauukulan kung handa sila o hindi sa mga bagyo at bahang darating na mas masahol kaysa dinala ni Bebeng.

Noong bago-bago lang si Pnoy sa poder, panay ang sigaw nito para sa zero casualty pero nabigo ito. Higit pa, hindi kaya ningas-kugon lang ang mga onorabol laban sa kalamidad?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply