Skype bibilhin ng Microsoft

IHINAYAG ng pamunuan ng Microsoft Corporation, ang taga-gawa ng Microsoft Windows operating systems, na bibilhin nila ang paluging Skype.

Tumatagingting na $8.5 billion ang presyo ng Internet Phone service provider na Skype. Tinalo ng Microsoft ang offer ng Google at Facebook kung saan ay nag-bid ito ng $3 billion hanggang $4 billion.

Ginawa umano ito ng Microsoft upang maengganyo ang mga bibili ng Windows at Office software kung maidagdag ang naturang internet phone service.

Subalit imbes na makatulong ito sa market value ng Microsoft ay mas bumaba pa ang stock value ng naturang kompanya sa Stock exchange.

Nitong nakaraang buwan ay naungusan na ng Apple ang Microsoft sa stock market.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply