Smart-Gilas Pilipinas angat sa Saudi Arabia 5

TANGAN ang malaking kumpyansa ay masasabak sa kanilang unang laro ang Smart-Gilas Pilipinas kontra sa Saudi Arabia team sa pagsisimula ng 22nd Fiba Asia Champion’s Cup na gaganapin sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Kabilang sa isasalang ng Saudi Club team ang isang pares ng magigilas na import na sina 7 footer Serbain Vaidslav Dragasjlovic at Darren Keely na nakahalili ng una nilang kinukumisyon na si 6’10” CJ Giles na unang nagtangkang maglaro sa Philippine Team sa pamamagitan ng naturalization process na hindi naman natuloy.

Siya ay nalipat sa koponan ng Iran na Duhok team. Tiwala naman sina Chris Tiu, Japeth Aguilar, Mark Barroca at Chris Glutz na tatalunin nila ang koponan ng Saudi Arabia base sa resulta ng kanilang tune-up game noong Miyerkules na kung saan tinambakan nila ito sa iskor na 99-66.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply