Smart Gilas Pilipinas pahinga muna

NALAGAY sa “bye status” ang Smart Gilas National team ngayong gabi matapos ang dalawang mabibigat na laro laban sa Saudi Arabia AL-Ittihad na pinsadsad nila sa iskor na 101-69 noong Sabado na sinundan ng paglugmok sa Westsports Kuala Lumpur Dragons ng Malaysia, 95-64.

Ginulat ng Malaysia ang Nationals sa palaban nilang laro na lumamang sa first half 40-39.  Ang Dragons ay giniyahan ng Pinoy coach na si Ariel Vanguardia na kabisado ang mga play ng RP Nationals.

Subalit bukod sa inilaban ng mahigpit na depensa ay pinairal ng tropa ni coach Rajko Toroman ang kanilang bilis sa fast break at tuluyang iniwanan ang Malaysian team 59-24 sa huling dalawang quarters.

Nakabawi ang Saudi Arabia sa unang talo nang gapihin ang Iraq, 83-75, habang pinadapa ng Qatar ang Syria, 90-67 at dinurog ng defending champions Iran Duhok ang United Arab Emirates  AL-Shabab sa iskor na 90-73.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply