Smart-Gilas vs Saudi team sa Fiba Asia champ’s cup

MAGSASALPUKAN ang Smart-Gilas Pilipinas at Al Ittihad ng Saudi Arabia sa inaugural game ng 22nd Fiba Asia Champions Cup sa PhilSports Arena sa Pasig City na magsisimula sa Mayo 28. Pagkatapos nito, gaganapin ang sagupaan ng team Pilipinas laban sa YKL Dragons ng bansang Malaysia sa Mayo 29

Susundan naman sa Mayo 31 ang laban sa Duhok team ng Iraq at sa laban sa Huyo 1 kontra sa ASU 5 ng Jordan.

Ang Saudi team ay palalakasin ni dating Smart-Gilas import CJ Miles at ikalawang American player, habang ang kanilang coach na si Nenad Krdii ay assistant ni national coach Rajko Toroman sa kanyang ballclub team sa Serbia, may 10 taon na ang nakalipas.

Hindi pa malinaw ang kinabibilangan ng koponan ng Al Ittihad subalit ang kanilang tagumpay sa Middle East tournament ay nagbababala at nagbibigay pangamba kay Smart-Gilas coach Toroman.

“Totoong malakas na kalaban sila,” may pangambang pahayag ni Toroman.

Si Giles ay naglaro para sa Lebanon team noong 2010 sa Doha, Qatar makaraang mawala sa Smart-Gilas, subalit hindi pinalawig ng Lebanese ang kanyang kontrata sa dahilang lumpat siya sa Al Ittihad.

Ang Smart-Gilas at Al Ittihad ay nasa Group A, kasama ang Malaysia KL Dragons, Duhok team ng Iraq at ASU team ng bansang Jordan, habang nasa Group B ang three-time defending champion ng I.R Iran-Mahram, Lebanon-Al Riyadi, Qatar-Al Rayyan, Syria-Al Jala’a at UAE-Al Shabab.

Ang top four sa bawat grupo ay aabante sa crossover knockout quarterfinal round kung saan ang No.1 finish sa preliminary ay krusyal upang maiwasan ang top two teams mula sa Group of Death.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply