Smoking ban ng MMDA inangalan ng Phil. Tobacco Institute

KINONTRA ng grupong Philippine Tobacco Institute o ang mga gumagawa ng mga sigarilyo sa bansa ang ipatutupad na smoking ban sa Lunes sa mga pampublikong lugar ng MMDA.

Base sa ipinalabas na kautusan ng Metro Manila Development Authority, bawal na manigarilyo sa mga pampublikong lansangan kabilang dito ang first at secondary roads. Bawal umanong manigarilyo sa mga terminal, waiting shed at MRT/LRT terminals.

Ayon naman sa Phil. Tobacco Institute hindi umano kasama sa Philippine Tobacco Act of 2003 ang mga first at secondary roads na pinagbabawalan ang paninigarilyo ng mga tumatangkilik sa kanilang produkto.

Samantala, alinsunod sa ipapatupad na smoking ban ng MMDA sa mga lansangan ay ipinahayag ni DENR Environment Management Bureau Chief Miguel Cuna na kanya rin papahigpitan at ipapahuli ang mga pampublikong sasakyan na nagbubuga ng maitim na usok. Lalong lalo na daw ang mga bus na bumabaybay sa kahabaan ng EDSA.

Napag-alaman na ang second hand smoke ay sobrang mapanganib kapag nalanghap ito ng tao at pinagmumulan ng sakit sa baga ayon sa isang pag-aaral.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply