Smoking ban sa Maynila, walang sasantuhin

“WALA tayong sisinuhin.  There will be no exemption.”

Ito ang inihayag ni Manila City Mayor Alfredo Lim sa ginanap na flag ceremony Lunes ng umaga, laban sa mga naninigarilyo matapos ipatupad ang smoking ban na kung saan ay kahit sino ay maaaring hulihin kahit umano opisyal ng city hall.

Sinabi ni Lim sa kanyang department heads na pangunahan ng mga ito ang pagtupad sa smoking ban at ipaalala sa kanilang mga nasasakupan ang hinggil dito.

Dinerektiba naman ng alkalde kay Chief of Staff at Media Bureau Ric De Guzman na pangunahan ang kampanya laban sa sigarilyo upang ang Manila City Hall ay maging smoke free zone bilang chairman ng Manila Anti-Smoking Task Force (MASTF).

Inatasan din ng alkalde si City Security Force Chief Ret. Maj. Nicolas Amparo na magtalaga ng mga tauhan na mag-iikot sa buong City Hall upang maipatupad ang kanilang anti-smoking campaign.

Inabisuhan din ng mayor sina Councilors Josie Siscar, Nino Dela Cruz at Lou Veloso na umatend sa flag ceremony na sabihan ang kanilang mga kasamahan at tauhan na sundin ang smoking ban.

“The best way to kick off this campaign is by starting with City Hall itself.  Tayo na muna ang maging magandang halimbawa para di na tayo magkahiyaan pa dahil walang exemption dito,” ayon pa sa alkalde.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply