Smoking ban sa Maynila simula sa Lunes

PASISIMULAN na sa araw ng Lunes May 30, sa labinpitong government units ang implementasyon ng “Smoking ban” at huhulihin ang mga taong naninigarilyo sa major at secondary roads.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman, Francis Tolentino, isang team na kinabibilangan ng agency personnel, local health officers at mga police ang magpapatupad sa mahigpit na implementasyon ng probisyon na nakasaad sa Republic Act 9211 o Tobacco Regulation Act of 2003 at anti-smoking prohibitions of the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at iba pang local ordinances.

Ang lalabag sa naturang batas ay papatawan ng multang P500 o maglilingkod ng 8-oras bilang community service.

Ang paghihigpit sa pagpapatupad ng no-smoking policy sa Metro Manila ay kasabay ng paggunita sa “100 Percent Smoke-free Environment” campaign sa Lunes at “World No Tobacco Day” celebration sa darating na June 1, 2011.

Nitong nakaraang kalahatian ng buwan ng June 2010, Pinaigting ng MMDA ang kampanyang no-smoking sa mga lugar na tinukoy ng Civil Service Commission (CSC) sa lahat ng government offices.

“We must be very strict in implementing our anti-smoking regulation. We want the MMDA to become a model government agency in terms of compliance with the CSC policy,” pahayag ni Tolentino.

Kaugnay nito ang New York-based Bloomberg Philantrophies ay inaprubahan ang halagang P9.5 million grant sa MMDA para tustusan ang anti-tobacco use program.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply