Smoking ban suportado ng PMA

MARIING sinusuportahan ng Philippine Medical Association (PMA) ang ipinatutupad na “smoking ban” sa Metro Manila ng pamahalaan sa pangunguna ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa mensahe na ipinadala ni PMA President Oscar Tinio, sinabi nito na adbokasya rin ngn 70,000 nilang miyembro sa buong bansa ang makamit ang “smoke-free Philippines” na kanilang inilunsad noong Pebrero (2011).

“Smoking kills! As physicians, it is our duty to inform the public of the clear and present danger of tobacco smoking against our health and lives” ayon kay Tinio.

Nararapat umano ang ipinatutupad na “political will” ng MMDA sa pagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar maging sa loob ng mga sasakyan sa kalsada sa Metro Manila.

Ipinaliwanag nito na hindi lang “second hand smoking” ang nakamamatay ngunit maging ang “third hand smoking.”

Base sa pag-aaral ng World Lung Foundation (WLF), 20% ng namamatay sa atake sa puso sa Metro Manila ay dahil sa pagkakalanghap ng usok mula sa mga naninigarilyo.

Tutol din ang PMA sa pagkakaroon ng “smoking area” sa mga pampublikong lugar dahil base sa pag-aaral na ginawa ng United States Department of Health and Human Services, tanging ang pagbabawal sa paninigarilyo sa loob ng mga gusali o “indoor” lamang ang solusyon para maprotektahan ang mga “non-smoker.”

Hindi umano ligtas ang publiko sa “second hand smoke” kahit na hiwalay ang lugar ng mga smoking area at gumagamit ng bentilasyon ang isang establisimyento.

Ito umano ang rason para sa “total ban” ng paninigarilyo sa lahat ng pampublikong lugar at huwag nang maglaan ng “smoking area.”

Dagdag pa ng PMA, ang tunay na pagpapatupad ng batas ang solusyon sa problema.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply