Smuggler ng black coral tinukoy ni Zubiri

HABAMBUHAY na pagkakulong ang nais ipataw ni Sen. Juan Miguel Zubiri sa natukoy na hinihinalang big time smuggler ng black coral na sumira sa mahigit 7,000 ektarya ng sea bed sa karagatan ng Moro Gulf at Sulu Sea.

Sa kanyang privilege speech, tinukoy ni Zubiri ang pagpupuslit ng black coral ng isang Exequiel Navarro matapos mahuli ng Bureau of Customs noong Mayo 1, 2011 sa Pier 15 ng South Harbor sa Maynila.

“Nitong umaga, nagpunta po tayo sa South Harbor upang tignan ang nakumpiskang marine item. Nakita ko mismo sa aking mata ang maraming bilang ng black coral na nakatitiyak tayong malaking bahagi ng ating coral reef complex ang nasira sanhi ng illegal at illicit trade na ito,” ayon kay Zubiri.

Aniya, nasakote ang kargamento ni Navarro habang ibinababa ang dalawang 20 footer ng container mula sa Super Ferry 5 sa Eva Macapagal Domestic Terminal sa Pier 15 na ideklarang “rubber” at nakapangalan kay Navarro.

Nakumpiska sa kargamento ni Navarro ang mahigit 134 bundles o 21, 169 piera ng tuyong black coral (sea fan), 161 stuffed hawksbill at green turtles, 15 bundles o 196 kilogram ng sea whips at 209 bundles o 7,34o piraso ng rare sea shells.

Sinabi pa ni Zubiri na nangako si Navarro na tutukuyin niya  at makikipagtulungan sa awtoridad upang ilantad ang lahat ng pangalan ng kanyang financiers ng sindikato at iba pang sangkot sa naturang krimen.

Ngunit, idinagdag pa ni Zubiri na hindi pa siya natatapos magsalita sa kanyang privilege speech, mayroon nang panibagong pagpupuslit ang natuklasan ng mga awtoridad sa Cebu na ideneklarang “scrap metal” na nanggaling sa Maynila sakay ng MV Lorcon Manila.

Aniya, isang malaking banta sa food security ang pagkuha ng black coral dahil  dinudurog nito ang marine biodiversity na kailangan sa food chain na pinag-iitlugan ng mga isda at pinagkakainan ng marine environment.

“Bakit patuloy ang walang habas na pagsira sa ating kalikasan kapalit ng kaunting kaginhawahan. Di ba nila naiisip na sa ganitong mga gawain ay winawasak rin nila ang kinabukasan ng mga susunod na henerasyon,” tanong ni Zubiri.

Dahil dito, inihayag ni Zubiri na nakahanda ang Senate committee on environment and natural resources na kanyang pinamumunuan na imbestigahan ang insidente upang malantad sa publiko ang tinagurian niyang paggagahasa sa ating karagatan.

“We will expose all the people behind this crime, particularl.y the financier and masterminds of this syndicate. We should help our law enforcement agencies find the legal arsenal and file the highest possible charges in court and muster the political will to break the backbone of this syndicate,” giit ni Zubiri.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply