Social networking accounts lason sa magagandang relasyon

NAKALULUNGKOT isipin kung ilang magandang relasyon ang nilason ng ilang social networking accounts gaya ng Twitter, Facebook and lately ang Formspring.

Yung dating matamis na samahan ay naging maasim at puro paninira at pagmumura ang naging laman ng mga kontrobersiya sa ilang relasyon nitong nagdaan.

Sa ganito nagwakas ang noon ay masayang romansa nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Ganyan din ang kina Aiko Melendez at Mayor Patrick Meneses ng Bulacan. Lately naman ay ang kina Mo Twister at Rhian Ramos, at latest itong kina Iwa Moto at ng boyfriend niya at ng kina Albie Casino at Andi Eigenmman.

Nakalulungkot isipin yung pagwawakas ng mga relasyong ito ay nakasindak sa publiko dahil pinagpistahan nga ito maging sa mga social networking sites.

Matatandaan, daming pasakalye ng kampo ni Jennylyn Mercado kontra kay Dennis Trillo. Aniya, magsasampa ito ng demanda laban sa dating BF na pumisikal sa kanya.  Kesyo nagbanta pang may pasasabuging bomba si Jennylyn, but in the end nanahimik din ang kampo nito at sa advice ng abugadang si Ms. Joji Alonso, di na nito tinuloy ang demanda.

It seems now, naka-move on na si Jennylyn, and has found someone new who will later be in the same spot where Dennis was.

Sadyang laging magulo ang buhay ni Jennylyn pagdating sa relasyon, kaya asahang ang susunod ay ganoon pa rin at walang pagbabago, kung di magbabago ang ihip ng hangin.

Yung kina Mayor Patrick at Ex-councilor Aiko naman ay tila papunta sa pag-aayos dahil may mga tsikang nagri-reach out kapuwa ang kanilang mga kampo towards a meaningful reconciliation. But just the same, naka-destruct ang maling reaction sa kanilang binaliw na pagmamahalan.

Sa rami ng mga manipestasyon ng kahunghangan ni Iwa, talagang sa simula pa lang, mukhang may deeply-seated na psychological trauma sa kanya. This should be treated medically or else, lalala pa ang kondisyon at baka kung saan pa mauwi ang lahat.

Heto po ang mga tweets ni Iwa as if nothing happened. Yun bang parang nagalit lang siya at pagkatapos okey na lang lahat.

“Whatever happened was between the two of us. I’m sorry sa lahat ng nadamay sa gulo. Wag na nating palakihin. Ayoko po ng gulo. Let’s face it. Tao rin ako. Napupuno. Nagagalit. Nagkataon lang ginagawa itong big deal dahil sa trabaho ko. I know mali ang actions na ginawa ko. Walang tama walang mali. Nagkagulo dahil di kami nagkasundo. Ayoko ng gulo.

Sorry po ulit. At sa GMA network I’m sorry dahil sa napakapangit na actions na ginawa ko. Im ok. Im ok. God has plans. Lalabas ako para maging happy. Di ako papaapekto. Positive, masaya ako. Masaya. Masayang masaya.  Ok aamin na ako. Ang lungkot ko!”

Di ba obvious na may mali somewhere, at talagang kailangann ng psychological help ng disturbed na si Iwa Moto?

Sa kaso naman nina Mo at Rhian mukhang nakialam na ang GMA 7, kasi nga, isang executive doon ang tiyahin ni Rhian. It also appears na kagustuhan nga ng GMA 7 na makipag-break at pagtaguan na ni Rhian si Mo.

Sa ngayon, binigyan ng abugado ng GMA 7 si Rhian pero mukhang may conflict ito.

Imagine na ang abugado ay si Atty. Lorna Kapunan, na kaibigan nina Hayden at Mo. O di ba, may conflict of interest dito?

Did you know na hindi pala basta-basta break up lang ang nangyari sa dalawa? Though it appears na mga harmless tweets lang ang ginawa ni Mo, meron palang direct threats kay Rhian kaya natakot ito at biglang nagpalit ng number at binura na’ng kanyang Twitter account. Kailangan nga raw bigyan ito ng proteksyon ng GMA 7 by providing her a lawyer just in case makarating sa korte ang problema.

Lumalabas pang may malaking  sikreto si Rhian na kung isisiwalat ni Mo ay makasisira rito. Kumbaga, any moment may bombang pasasabugin si Mo kaya naghahanda ang GMA 7, the reason why they provided Rhian a very good lawyer.

Yung kina Andi at Albie naman, humahaba pa nang humahaba. Kumbaga, parang gusto rin nilang pagpistahan muna sila bago tumigil sa palitan ng maaahang na tweet. Mukhang sa kanilang immaturity, nae-enjoy nila’ng pangyayari. Is this a case of a bad publicity is still publicity kaya ok lang to spice up their individual image?

Jacklyn Jose already stepped up pero mas kailangan na ang Star Magic ang umentra rito. Masaydo nang destructive ang sitwasyon ng dalawa nilang artista and before they know it baka ligwakin na sila ng publiko.

***

WE ARE on our way, pinag-uusapan na namin ang Hataw Superbodies Year 6, parang kailan lang yung pinakauna noong 2006.

Noon, there were destructive ek that we wont push along kung paninilawaan ang paninira ng mga naiinggit. Pero heto, nasa ikaamin na taon na kami and still counting. Taun-taon, we are leveling up and this year, ang tema ng aming pakontes ay mga champions at mga super fresh faces ang paglalabanin namin.

Kaya yung mga agents na suki ng Hataw Superbodies, humanda na kayo at mag-scout kung sino ang ilalaban ninyo. We will formally announce the dates of the go sees kaya mag-abang lang po kayo.

As usual, nandyan palagi yung mga taong handang sumuporta sa amin ni Roldan Castro na taun-taon ay hindi nawawala to lend as their hands.

Maraming salamat po, sana sa ikaanim namin, andiyan pa rin kayo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply