Solon: Batas na tugon sa kalamidad palakasin

MAS matibay na polisiya at programa sa pagtugon at pamamahala sa mga kalamidad ang hinahanap ng isang kongresista upang maisalba ang bansa sa pagkapilay dulot ng mga pangyayaring ito.

“We cannot achieve development sustainability without seriously investing, both financially and politically, in disaster risk reduction.  It should be at the core of socio-economic development at different levels,” ani Western Samar Rep. Mel Senen Sarmiento.

Nauna nang inendorso ni Speaker Feliciano Belmonte ang nabuong kasunduan sa ginanap na Third Global Platform for Disaster Risk Reduction sa Geneva, Switzerland noong nakaraang Mayo 8-13.

Suportado ng Global Platform ang United Nations International Strategy for Disaster Reduction (UNISDR) na pakikipag-ugnayan sa mga parliamentary assembly at individual parliamentarian upang makalikha ng naaangkop na hakbang sa disaster risk management.

Inilunsad na ng UNISDR ang pandaigdigang kampanya nito upang himukin ang mga lokal na pamahalaan na maging alerto sa mga kalamidad.

“Mayors and local government officials play a key role in building the sustainability of cities and communities against disasters. Parliamentarians and legislators are essential to oversee policy changes and budget allocation, in addition to their primary role in legislation development,” ani Sarmiento.

Ngayong taon pa lamang, umaabot na sa US$300 bilyon ang nawasak ng mga pagbaha at paglindol sa buong mundo kaya’t umaapela na si UN Secretary General Ban Ki-moon ng sama-samang pag-aksyon ng maraming bansa para sa paglalatag ng mga hakbang sa natural hazard at nuclear safety.

Nauna rito, inimbitahan si Sarmiento sa UNISDR upang magsilbing moderator sa sesyon na dinaluhan ng mga kinatawang parliamentarian at lokal na opisyal mula sa People’s Republic of China, Uganda, Argentina, Finland, India at Cambodia.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply