Solon kay PNoy: Gawing pamana ang Cha-cha

INUDYUKAN si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na gawing legacy ang pagbabago ng Saligang Batas tulad ng kanyang yumaong inang si dating Pangulong Cory Aquino na nagbuo ng 1987 Freedom Constitution.

Ani ni Misamis Occidental Rep. Loreto Leo Ocampos, chairman ng House committee on constitutional amendments, ang suporta ng Pangulo sa Charter change (Cha-cha) ay malaki ang magagawa bagama’t hindi ito ang prayporidad n gayon ng administrasyon.

“The President’s credibility will make or break any move to amend the Constitution,” ayon kay Ocampos.

Tiwala ang kongresista na ito ang pinakamagandang panahon para amyendahan ang Konstitusyon dahil hindi kwestyunable ang kredibilidad ng Pangulo.

Nagsasagawa ngayon ng public consultation ang House committee on constitutional amendments ngayong araw sa Mindanao University of Science and Technology (MUST) upang talakayin ang panawagan para sa constitutional convention para sa pag-convene ng Kongreso sa constitutent assembly, gayundin ang proposal para sa Cha-cha na inihain ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at anak nitong si Camarines Sur Rep. Dato Arroyo.

Sinabi ni Ocampos na ang Cha-cha consultation ay simula pa lamang ng malawakan at pambansang konsultasyon at pagbibigay impormasyon sa buong bansa.

Pinapaboran din ng mambabatas ang eleksyon ng mga delegardo sa constitutional convention sa 2013 at sa pag-amyenda ng Konstitusyon sa 2016 pagkatapos ng termino ni Pangulong Aquino.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply