Solon nanghaharas ng serbedora sa tuwing nalalasing

NAKAHIHIYA na naman ang gawain ng isang mambabatas na ito dahil sa tuwing malalasing o magiging lango, aba’y hinaharass o hinihipuan at sinasabihan pa umano ng hindi magandang salita ang mga babaeng nagsisilbi sa kanya.

Napag-alaman ng matang kuwago ng Remate na sa pagdalo ng naturang mambabatas sa isang party ay nalasing ito.

Kaya nang makita niya na maganda at batam-bata ang babaeng serbedora ay pinalapit niya ito sa kanya.

Sa paglapit ng babae ay ininterbyu niya ito subalit habang iniinterbyu ay panay hipo at himas ang ginagawa ng mambabatas.
Nang hindi makatiis sa sobrang panggigigil ay niyaya pa ng mambabatas ang babae na lumabas sila.

Sa takot ng babae dahil kilalang mambabatas ang kumakausap sa kanya, nagpatay-malisya na lamang ito.

Kaya matapos magpaalam ang babae, agad na sumunod ang isa sa mga alalay ng mambabatas na binigyan ng P5,000 tip kapalit ng pananahimik.

Kilala rin ang mambabatas na ito sa pagiging pilyo sapagkat nagmana rin sa kanyang ama.

Sa tuwing gigimik o dadalo sa mga handaan ang naturang mambabatas, lagi itong may dala-dalang sariling red wine.

Biruin nyo, sa red wine lang ay nalalasing ito.

Paano naman nakauubos siya ng dalawa hanggang apat na boteng red wine sa kanyang gimik.

Dating malaki ang tiyan ng senador subalit may  ilang linggo itong nawala sa sesyon dahil nagpa-opera na dahilan ng biglang pagliit ng tiyan niya.

Whistleblower, Col.  George Rabusa, baka kilala mo siya ibunyag mo na siya sa aming lahat.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply