Solon napagkamalang cast ng cartoon film

ISANG mambabatas ang pinagtawanan ng kanyang kapwa mambabatas matapos na mapagkamalang bahagi ng isang cartoon film o isang cartoon character ng kanyang anak.

Habang nakikipag-usap ang naturang mambabatas sa kanyang anak,  nagulat ito nang bigla na lang natakot na animo’y iiyak ang karga-karga nitong anakis.

Kaya nagtaka ang mambabatas kung ano ang dahilan ng reaksyon ng kanyang anak.

Nabatid na nakita pala ng kanyang anak ang kanyang kasamahang mambabatas na kamukha ni Shrek.

Nabatid na hindi sanay ang anak ng naturang mambabatas na kung sino-sino lang ang taong nakikita nito kaya marahil nagulat o nabigla lang ito sa hitsura ng kapwa mambabatas ng kanyang ama.

Kung gayong maaaring maging dalawa na ang papel nito dahil hindi lang pala pang pulitika kundi pang artista at sinehan pa.

Wala namang nagawa ang mambabatas nang mapagkamalan siyang cartoon character ng isang bata kundi nginitian na lamang niya ang kanyang kasamahan at ang karga-karga nitong anak.

Ang mambabatas na may anak na natakot kay Shrek este kay sir ay mahilig sa kulay green at kabukiran samantalang ang napagkamalang mambabatas ay minsan nang nakuryente sa pagnanais na sumipsip o magpalapad ng papel kay Pangulong Benigno Aquino III.

Di ba kapatid na Toots Ople? Sa iyo sila magtanong dahil kilala mo sila pero ang isa ay hindi kamag-anak o kaano-ano ni dating Senador Blas Ople.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply