Solon pinaghintay ng driver sa senator’s parking lot

ISANG senador ang nagmukhang tanga  sa Senator’s parking lot dahil sa kahihintay sa kanyang personal driver na kung saan pa nanggaling.

Nasaksihan kasi ng matang kuwago ng Remate na tila gutom na gutom na si senador dahil sa alas-dose na ng tanghali at mukhang may importanteng kausap sa labas subalit wala itong magawa kundi ang hintayin na lang na dumating ang driver.

Sa taranta naman ng isa sa mga staff na kasama nito na napag-alaman ng matang kuwago ng Remate na kamag-anak pala ng senador ay tinawagan na lang nito ang driver bago uminit ang ulo ng kanyang uncle senator.

Kaya nga ang sabi ni Ate Toots, na anak ng yumaong si Senador Blas Ople, dapat ay abisuhan na ang driver bago pa man bumaba sa lobby o sa parking lot para  hindi na maghintay.

Alam ninyo bang sa taranta ng driver ng senador ay muntik pa itong madapa o madulas mabuksan  lang ang sasakyan ng senador at mapatakbo ito.

Sa bandang huli, maluwalhati namang nakasakay si senador sa kanyang sasakyan at maayos namang pinagmaneho siya ng kanyang driver at hindi nahuli sa kanyang lunch meeting.

Si senador na tinutukoy ng ating matang kuwago ng Remate ay anak ng dating senador na isa sa mga dahilan ng pagkakatalsik sa puwesto ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Kung gusto ninyo siyang mapintahan at matukoy nang husto kung sino magtanong kayo kay Senador Joker Arroyo dahil alam niya ang palayaw at tawag ng tatay ng senador sa mambabatas.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply