Solon umamin sa ‘overspeeding’ ng sasakyan

INAMIN ni DIWA Partylist Rep. Emmeline Aglipay na sakay siya ng kaniyang Fortuner nang ito ay pahintuin ng mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) dahil sa overspeeding sa Commonwealth Avenue nitong nagdaang Huwebes, Mayo 19.

Inamin ni Aglipay na nagbabasa siya ng dokumento habang tumatakbo ang sasakyan ukol sa kaso ng Philippine Airlines Employees Association (PALEA) na didinggin ng House Committee on Labor and Employment nang sitahin ang kaniyang driver.

Ang kahabaan ng Commonwealth ay may ipinatutupad na limit na 60 kilometers per hour sa lahat ng sasakyan upang maiwasan ang mga aksidente kung saan walang pinalagpas ang mga tauhan ng MMDA kung kaya kahit ang may plakang 8 para sa mga kongresista ay sinisita rin.

“Actually sakay ako doon pero bago kumanan from Quezon circle to Commonwealth, sinabi ko na sa driver ko na kahapon ay nahuli din si Richard Gutierez. I was on my way to the Labor committee hearing for PALEA and i was studying the documents when we were stop,” ani Aglipay.

Kinuwestyon din ng kongresista ang pagpapalaki ng media sa pagkakahuli ng kaniyang sasakyan gayung wala naman aniyang pag-abuso na naganap.

Dahil dito humingi ng paumanhin si Aglipay para sa kaniyang driver na ngayon ay kaniyang sinuspendi bilang parusa aniya sa naganap na insidente.

“Hindi ko lang po alam kung bakit biglang pinalaki sana tanggapin niyo na lang iyong paghingi ko ng paumanhin para sa driver ko . Hindi naman namin gustong lumabag sa batas at katunayan ay pinagsabihan ko po siya before and after pero wala naman po kaming kahit na anong pang-aabusong ginawa. Sumunod naman kami sa lahat ng hinihingi nila at kinuha na po ng driver iyong lisensya niya sa MMDA. Sana po pagpasensyahan niyo na,” sinabi pa ni Aglipay. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply