South Super Highway footbridge pasisinayaan

PANGUNGUNAHAN ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino ang pagpapasinaya sa bagong footbridge sa South Super Highway sa Makati Huwebes, Mayo 12.

Ang nabanggit na footbridge ay nasa harapan ng AMA College at itinayo bilang sagot sa kahilingan ng pamahalaang lokal ng lungsod ng Makati at mga mag-aaral ng nasabing paaralan para sa ligtas nilang pagtawid sa lugar.

Ayon kay Tolentino, inaasahan niyang higit na gaganda ang dalpoy ng trapiko at ligtas na pagtawid ng mga pedestrian na makaiwas sa anumang aksidente.

Ang kabuuang lawak ng nabanggit na footbridge ay nasa 46.49 metro at may lapad na 2.4 metro.

Sinimulan itong itinayo noong Pebrero 20 at nakumpleto noong Abril 30 at nagkakahalaga ng mahigit sa P7 milyon na ang pondo ay mula sa Department of Public Works and Highways.

Bukod kay Tolentino, inaasahan din na makikibahagi sa pagpapasinaya sina Makti City Mayor Jun-jun Binay at AMA Education System Chairman Ambassador Anable Aguiluz. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply