Spain nilindol, 10 patay

PATAY ang sampung katao at dose-dosena ang mga nasugatan matapos salantain ng lindol ang bayan ng Lorca, Murcia sa bansang Espanya.

Umabot ng 5.3 magnitude ang naturang lindol kung saan nakita ang sentro nito sa 120km timog kanluran ng Alicante at may lalim lamang na isang kilomentro ayon sa US Geological Survey.

Maraming establisimiyento at kabahayan ang nasira karamihan dito ay mga lumang gusali. Nagsilabasan naman sa kalsada ang mga residente sa lugar para maiwasang madaganan ng mga babagsak na materyales ng kanilang mga bahay.

“Unfortunately, we can confirm… deaths due to cave-ins and falling debris,” ayon kay Lorca Mayor Francisco Jodar.

Nabatid isang doctor na marami silang nilapatan ng paunang lunas sa mga kalsada at ang iba umano ay wala pang malay-tao.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply