Special elections sa Ilocos Sur kasado na

TINIYAK ng Commission on Elections (Comelec) na handang-handa na sila sa pagdaraos ng special elections sa unang distrito ng Ilocos Sur sa Mayo 28.

Ang special elections ay matatandaang itinakda upang mapunuan ang binakanteng puwesto ni dating Rep. Ronald Singson, na nagbitiw matapos ma-convict sa drug case sa Hong Kong.

Ayon kay Comelec Commissioner Elias Yusoph,  supervising commissioner para sa nasabing halalan, kasado na ang lahat para sa special elections at handang handa na ang kanilang mga tauhan para rito.

Nabatid na ang mga kandidato para sa nasabing pwesto ay sina incumbent Vigan City Vice Mayor Ryan Singson at Atty. Berthrand Baterina.

Pinaalalahanan naman ni Yusoph ang publiko hinggil sa pag-iral ng gun ban sa mga bayan ng Bantay, Cabugao, Caoayan, Magsingal, San Ildefonso, San Juan, San Vicente, Sta. Catalina, Sto. Domingo, Sinait at Vigan City na sakop ng unang distrito ng Ilocos Sur kaugnay na rin ng nalalapit na special election.

Kasabay nito, tiniyak naman umano nina 7th civil military operations Commander Col. Desiderio Alaba  at Ilocos Sur Police Provincial Director Sr. Supt Reynante Galeon, na nakahanda na sila para sa pagbibigay ng seguridad sa 173 presinto sa unang distrito ng Ilocos Sur.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply