Special stamps ni Pope John Paul II ilalabas na

ILALABAS na bukas, Lunes ang special stamps ng Philippine Postal Corporation (Philpost) kaugnay sa isinagawang beatification kay Blessed Pope John Paul II.

Sa isang kalatas sa kanilang website, inanunsiyo ng PhilPost na magpapalabas sila ng kabuuang 140,000 na stamps na nagkakahalaga ng P7 bawat isa.

“Also to be issued is a souvenir sheet with a denomination of P40.00 and quantity of 7,000 pieces. The First Day Cover includes the block of four stamps,” ayon pa sa PhilPost.

Si dating Pope John Paul II ay magugunitang idineklarang blessed matapos maisailalim sa beatification sa Roma noong Mayo 1 na dinaluhan ng tinatayang 1 5-milyon na pilgrims.

Nang yumao ang dating Pontiff noong 2005 ay libu-libong miyembro ng Roman Catholic ang nagpahayag ng pagsuporta sa beatification at canonization ng Santo Papa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply