Speedgun walang silbi sa gabi -MMDA

BUKOD sa pagkawalang silbi ng mga speedgun ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa gabi, ang limang speedguns nito ay nakahuhuli lamang ng limang overspeeding vehicles sa kahabaan ng Commonwealth Avenue ng sabay-sabay.

Ito ang naging pag-amin ni MMDA deputy chairman Alex Cabanilla sa ginanap na pagdinig ng House committee on Metro Manila development kahapon.

Isinalaysay ni Cabanilla sa komite na pinamumunuan ni Navotas Rep. Tobias Tiangco na ang pagmonitor at paghuli ng overspeeding na sasakyan sa tinaguriang “killer highway” sa Quezon City ay nananatiling sakit sa ulo para sa mga traffic enforcers.

Sinabi ni Cabanilla na ang kakulangan sa budget para pambili ng mas maraming speedguns ang siyang nagiging dahilan sa kanilang kakulangan sa paggampan ng kanilang tungkulin.

“With five speedguns, that means you can only monitor five vehicles? How will you able to monitor all vehicles plying along Commonwealth?” tanong ni Tiangco, chairman ng nasabing special committee.

“That’s our limitation,” ang siyang naging kasagutan ni Cabanilla. Idinagdag din nito ang pangangailangan pa ng karagdagang budget ng kanilang ahensya para sa speedgun  na  tinatayang  aabot sa halagang P200,000  ng isa nito.

Isinalaysay pa ni Cabanilla na ang paggamit ng isang speedgun sa isang behikulo ay gugugol ng 30 segundo o mahigit pa bago muling gamitin ito para sa susunod na monitor sa sasakyan.

Inamin din ni Cabanilla sa komite na nagiging wala ng silbi ang gamit nilang speedguns sa bandang gabi dahil nangangailangan ito ng ilaw upang matukoy ang mga lumabag sa overspeeding na mga sasakyan.

Ayon sa MMDA, para sa taong 2010 ay may kabuuang bilang na 2,743 ang naganap na aksidente ng  mga sasakyan sa Commonwealth Avenue, kung saan 608 ay walang nasaktan o napa-ulat na sugatan samantalang 21 na biktima naman ang namatay.

Simula aniya ng ipatupad ang implementasyon ng 60 kilometer per hour speed limit sa Commonwealth  ay bumaba na ang naitatalang aksidente rito

Mula sa daan-daang bilang ng mga vehicular accident sa nasabing highway ay pinakahuling namatay dito ang naaksidenteng si journalist Lourdes “Chit” Estella-Simbulan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply