Status ng extradition case vs Michael Ray Aquino inaalam ng DOJ

PINAKIKILOS na ni Justice Secretary Leila de Lima ang Office of the Chief State Counsel para kumpirmahin ang estado ng extradition case ni dating police officer Michael Ray Aquino sa Estados Unidos.

Ito ay makaraan umanong makatanggap ang Department of Justice (DOJ) ng impormasyon na may ipinalabas nang writ of execution ang hukuman sa Amerika kaugnay ng kahilingan ng Pilipinas na ma-extradite si Aquino.

Si Aquino ay isa sa mga suspek sa Dacer-Corbito double murder case.

Bagama’t batay sa umiiral na proseso ay dadaan muna ang nasabing ulat sa Embahada ng Estados Unidos sa Maynila na siya namang magpapadala ng opisyal na ulat sa DOJ, maari namang gumawa ng hakbang ang kagawaran para maberipika ang ulat.

Una nang pinagtibay ng Court of Appeals sa Amerika ang extradition ni Aquino para paharapin ito at malitis sa kasong pagpatay kina PR man Bubby Dacer at sa driver nito na si Emmanuel Corbito. Teresa Tavares

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply