Student loan program sagot sa tuition fee hike

HINILING ng isang senador kay Pangulong Benigno Aquino III na kung walang magagawa ang pamahalaan upang mapigilan ang pagtaas ng matrikula sa pasukan ay dapat pautangin na lamang ng gobyerno ang mga estudyante.

Ayon kay Sen. Alan Peter Cayetano, maraming pamamaraan na puwedeng gawin ang administrasyon ni Pangulong Aquino tulad ng tuition fee loans bilang tulong pinansiyal ng pamahalaan sa kabataan upang makapagpatuloy sila sa pag-aaral.

“Ang student loan program ay isa sa dapat palakasin at pondohan na programa,” giit ni Cayetano.

Ipinaliwanag din ng senador, dating chairman ng Senate committee on education, ang pagpapabaya ng mga nakalipas na administrasyon sa sektor ng edukasyon kaya kaunti lamang ang nakakapagtapos sa kolehiyo.

Aniya, sa bawat 100 na nag-enroll sa Grade 1, wala pa sa 20 ang nakakapagtapos ng kolehiyo dahil na rin sa hirap ng buhay ngayon.

Bukod sa student loan program, suportado rin ng senador ang panukala sa Kamara para ipagbawal ang no permit, no exam policy.

“Dapat makapag-exam ang bata kahit di makabayad tuition,” giit ni Cayetano.

Nabatid na sa 2,000 unibersidad at kolehiyo sa bansa, halos 300 ang magtataas ng tuition fee kung saan 70 dito ay nasa Metro Manila.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply