Sugar smuggling lalansagin

NAGKASUNDO ang Sugar Regulatory Administration (SRA) at Bureau of Customs (BoC) na magkapit-bisig upang masugpo ang pag-i-smuggle ng asukal sa bansa.

Nakapaloob sa kasunduan, na isinagawa sa pagitan nina SRA chief Regina Bautista-Martin at Customs Commissioner Angelito A. Alvarez, ay ang pagpapatupad ng 38 porsyentong buwis sa refined sugar at iba pang sangkap o refined sugar na isinangkap sa mga pagkaing may matataas na sugar content.

Ayon kay Manuel Lamata, pangulo ng United Sugar Producers’ Federation of the Philippines, Inc. (Unifed), tutulungan ng organisasyon ang BoC sa abot ng makakaya nito.

Isa sa mga isyung tinalakay sa isang meeting ay ang paglaki ng importasyon ng refined sugar na may halong ibang ingredients, na ayon sa laboratory analysis na isinagawa ng SRA ay nagtataglay ng 99% hanggang 99.7% na refined sugar.

Ayon kay Confederation of Sugar Producers Associations Inc. (Confed) director Bernardo C. Trebol, ang nasabing refined sugar premixes umano ay kamukha at kakulay ng refined sugar.

Sinabi pa niyang ginagamit din ito umano tulad sa karaniwang asukal kaya kinukunsidera ito ng SRA bilang asukal. Dahil ditto, dapat umano itong buwisan na tulad ng asukal.

Sa kasalukuyan ay walang buwis ang refined sugar premixes, ngunit nanawagan na ang sugar industry sa BOC na buwisan ito ng mas mataas sa karaniwang 38 porsiyento base sa SRA laboratory findings.

Ayon naman kay National Federation of Sugarcane Planters Inc. president, Enrique Rojas Jr., mismong ang SRA ang nagsabing asukal nga ang refined sugar premixes, kaya dapat mas mataas ang buwis nito dahil matagal na itong nasa Pilipinas na libre sa buwis.

Ayon naman kay Commissioner Alvarez, dahil sa SRA findings, papatawan na ng 38 porsiyento buwis ang refined sugar premixes.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply