Suicide kit at mga korap

MERON palang remedyo para maubos ang mga korap.

Hindi sila kailangang imbestigahan ng Kamara o Senado o Ombudsman o Department of Justice o anomang fact finding commission.

Hindi na rin kailangan ang mga pulis at National Bureau of Investigation.

Karanasan nang walang nangyayari sa mga imbestigasyon na yan, Suki.

Kasi kasunod man ng demanda ang mga imbestigasyong yan, inaabot ng siyam-siyam ang kaso bago magkaroon ng resulta.

May resulta man, bibihira ang nakukulong.

At makulong man sila, agad naman silang pinatatawad.

At mas malakas pa ang loob nila na kumandidato at manalo sa mga halalan para muling mangorap.

Pero karamihan ay napawawalang-sala.

Lalong-lalo na sa parte ng mga antatsabol at tutyal.

Lalo’t weder-weder lamang naman ang katarungan.

Kapag nasa mataas kang posisyon, iyo ang katarungan saka mo bubuweltahan ang mga nag-demanda sa iyo.

oOo

Balik tayo, Suki, sa madaling paraan para maubos ang mga korap.

Madali lang dahil mayroon palang nailalabas sa internet na suicide kit.

Ang huling gumamit ng suicide kit kina Barack Obama ay si Nick Klonoski.

Bumili siya ng isang tangke ng helium gas, binalot niya ang kanyang ulo ng plastik na supot saka niya sininghot ang helium gas.

Yang helium ay ang gas na ginagamit sa pagpapalobo ng RH bill, este, lobo at condom.

Dapat ito ang ibenta sa mga korap na dumedekwat sa salapi ni Juan kaya halos walang pangpablik serbis ang pamahalaan.

Pag nabentahan natin ang mga korap ng suicide kit, wala nang magsasabi ng “I invoke my right to privacy; I invoke my right against self-incrimination” at iba pang mga palusot.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply