Sumos sasampa sa Group B leaders

HAHANGARIN ng Maxi! Bond Super Glue na mapabilang sa nangungunang Cebuana Lhuillier Gems at Cobra Energy Drink sa group B ng classification round ng PBA Developmental-League Foundation Cup sa pagsabak kontra sa Junior Powerade Tigers sa main game ng double header na gaganapin sa Marikina Sports Complex, ngayong alas-kwatro ng hapon, Mayo 3.

Banggaan naman sa pagitan ng Pharex Bidang Generics (2-2) at ng RnW Pacific Pipes (1-4) sa group B ang magbubukas ng labanan.

Sa group A tangka ng Pharex na lagutin ang dalawang laro ng pagkatalo habang ang inaalat na Pacific Pipes ay magsisikap na makuha ang pangalawang panalo sa loob ng anim nilang laro.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply