Sumukong ‘killer’ bus driver nasa Maynila na

NASA Maynila na ang sumukong bus driver na aksidenteng nakabundol sa taxi na sinasakyan ng journalist-professor na si Lourdes “Chit” Estella-Simbulan at agad na idiniretso sa headquarters ng Quezon City Police District (QCPD) sa Camp Karingal upang harapin ang mga reklamong isinampa laban sa kaniya.

Lumapag ang Philippine Airlines Flight PR-822 sa Ninoy Aquino International Airport Sabado ng medaling araw lulan ang akusadong si Daniel Espinosa at sinalubong nina Police Chief Inspector Rodel Marcelo at mga tauhan ng District Traffic Enforcement Unit ng QCPD na dumating naman sa Camp Karingal dakong 1:00 ng madaling araw.

Isinailalim sa maselang medical examination si Espinosa pagdating nito sa Karingal bilang bahagi na din ng routine procedure.

Ayon kay QCPD Director Police Chief Superintendent George Regis na hindi umano maituturing na under arrest si Espiosa.

Kaugnay nito, hiniling ni Espinosa sa pamamagitan ng kaniyang abogado na si Atty. Salvador Panelo na manatili na lamang sa ilalim ng  protective custody ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng QCPD upang matiyak ang seguridad nito.

Itinakda naman ng korte na isagawa ang preliminary investigation kay Espinosa sa Mayo 30 sa halip na sa Mayo 27 kaugnay ng kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property at abandonment.

Samantala, binigyan naman ng 10 araw ang kampo ni Espinosa para magsumite ng counter affidavit kaugnay sa mga nabanggit na kaso.

Sinabi naman ni Regis na posibleng nagawa umano ni Espinosa na magtago sa Davao dahil nais umano nito na matiyak ang kaniyang kaligtasan.

Nakatakda sanang dumating Biyernes ng hapon mula sa Davao si Espinosa matapos itong sumuko kay Davao City Vice Mayor Rodrigo Duterte ngunit naantala ito makaraang magkaroon ng aberya ang unang eroplanong sinakyan nito patungo ng Maynila.

Matatandaan na tumakas si Espinosa matapos na aksidenteng mabangga ng minamaneho nitong pampaseherong bus ang sinasakyang taxi ni Simbulan sa Commonwealth Avenue noong nakaraang linggo. James de Jesus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply