Sundalo patay sa ambush; 1 sibilyan nadamay

ISANG kagawad ng Philippine Army ang napaslang habang isang sibilyan din ang nasawi sa pananambang Biyernes ng umaga, Mayo 27, ng mga hinihinalang kasapi ng New People’s Army hit squad sa Irosin, Sorsogon.

Ayon sa impormasyong ibinahagi ni Army Maj. Angelo Guzman, Public Affair Office chief ng Army 9th Infantry Battalion, naganap ang pag-ambush ng tatlong rebeldeng NPA bandang alas 8:54 ng umaga sa may Barangay Macawayan, Irosin ng nabangit na lalawigan,

Dead on the spot si PFC Efren Salcedo, 28, miyembro ng Army 49th Infantry Battalion habang nadamay naman sa insidente si Resureccion Mendones.

Nabatid na kagagaling lamang ni Pfc Salcedo sa disaster response duty at nagpasyang ipasyal ang kaniyang pamilya sa isang beach resort dahil kaarawan ng kanyang dalawang taong gulang na anak.

Lulan ang pamilya ni Salcedo ng isang pampasaherong jeep nang salakayin ng tatlong NPA guerilla na armado ng handguns at pagbabarilin ng malapitan.

Nang bumagsak ang biktima sa loob ng sasakayan ay binaril pa ito ng dalawang ulit sa ulo para masigurong patay na ito.

Isa sa mga killer ay positibong kinilala na si Richard Galos, 25, residente rin ng nasabing barangay at sinasabing leader ng local NPA sa area sa ilalim ng CO, SPP2, Front Committee 80.

Matapos ang pamamaril ay naghiwalay ang grupo na parang walang nangyari .

Tinangka pang itakbo sa  Irosin District Hospital ang dalawang biktima subalit kapawa idineklarang dead on arrival ang mga ito.

Isang hot pursuit operation ang inilunsad ng 49th IB laban s amga tumakas na suspek. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply