Super Lotto 6/49, 6/55 Grand Lotto lumalaki ang premyo

NAKAIWAS muli sa libu-libong mananaya ang P25,947,072.00 jackpot prize ng Lotto 6/49 sa bolang idinaos sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) drawing court noong Linggo, Mayo 22.

Wala ring nakahagip sa kumbinsayon sa 25-44-10-21-29-37 na inaasahan magpapataas pa sa premyo bukas ng gabi ang regular na bola ng Super Lotto.

Ang regular na bola ng Super Lotto ay ginaganap tuwing Martes, Huwebes at Linggo kasabay ng Regular Lotto 6/42 kung Martes at Huwebes. Samantala, ang mailap na 6/55 Grand Lotto na binobola tuwing Lunes, Miyerkoles at Sabado ay muling nakaiwas sa draw noong Mayo 21.

Bunga nito, tinatayang sisirit sa P270 milyon ang nakatakdang grand prize ng hindi masapul ang kombinasyong 10-21-51-37-25-09 noong Sabado na may katumbas na P266,309,244 na jackpot.

Bunga nito, simula noong Linggo ay dinagsa na ng mga mananaya ang mga Lotto outlets na nagsisibakasakaling makuha nila ang pinananabikang suwerte.

Samantala ang Regular Lotto 6/42 ay magkasunod na tinamaan ng isang mananayang taga-Pangasinan at isang mula sa ka-Bisayaan.

Mamayang gabi, asahan na dadagsain muli ng mga sumusubaybay sa gaganping draw sa PICC ground sa Pasay City para maagapan ang mga numerong lalabas sa inaasahan nilang muti-milyong premyo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply