Super-seksing misis ni cong inagaw, itinanan ni mayor

DOBLE malas ang inabot ng isang kandidatong kongresman makaraan ang isang halalan.

Natalo na nga siya, inagaw at itinanan pa ng kanyang kapartidong mayor ang kanyang napakaseksing misis.

Noong una, dahil magkatsokaran, magkapartido at magbespren sina Cong at Mayor, ipinuwesto ni Cong ang kanyang misis sa Office of the Mayor. Perso-nal secretary si misis.

Sadyang mapagbiro ang tadhana dahil sa unang tatlong taong panunungkulan ni mayor, nainlab sa kanya si misis.

Doon na rin nagsimula na gawin nina mayor at ang misis ni Cong ang Office of the Mayor na sarili nilang Paraiso. Pareho silang nabubusog sa bunga ng bawal na puno sa paraiso.

Walang binatbat ang naging pagmamahalan nina Adan at Eba sa bagong magsing-irog dahil walang Diyos na nagbawal sa kanila na matukso sa isa’t isa.

Huli na nang malaman ni Cong na ang siesta time ni mayor at ng kanyang misis ay oras pala ng piyesta sa laman ng dalawa.

Simula noon, hindi na umuwi si misis sa tahanang pinundar nila ni Cong kundi sa isang malaPalasyong bahay sa isang exclusive subdivision sa sarili nilang lungsod.

Nang nagkabuking-buking ang lahat hanggang sa gumagamit na ng wang-wang ang orig ni mayor tuwing nagsisiyesta si Mayor sa piling ng misis ni Cong, inalis ang napakagandang si Eba roon at inilipad sa Amerika.

Simula  noon,  buwan-buwan na kung pumunta si Mayor sa bansa ni Obama para lang makapiling ang bago niyang labs. Official travel ang rason ni mayor.

Iniiyakan na lang ni Cong ang kanyang kapalaran at ipinauubaya na lang sa karma ang lahat.

Hindi naman iniinda ni mayor ang pag-aalimbukay ng usok dahil siya mismo ang gumawa ng apoy.

Nagagawa niya ang gusto niya dahil tuloy-tuloy siyang inihahalal ng kanyang mga kababayan sa bawat halalan.

Clue: Super kuripot si mayor pero daang libong piso kung mag-tip siya sa kanyang ka-one night stand na mga sikat sa TV at pelikula.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply