Supermodel Danica Magpantay di makapaniwala sa biglang pagsikat

NASA bansa ang Pinay na tinanghal na “Ford Supermodel of the World” sa ginanap na international modeling contest sa New York City.

Ayon sa 17-anyos na si Danica Magpantay, labis siyang nasorpresa dahil marami ng nakakakilala sa kanya.

Aniya, wala siyang ideya kung gaano kalaki sa bansa ang kanyang pagkakapanalo sa nasabing international modeling contest.

Sa kabila nito, isa naman daw karangalan para sa kanya ang makapagbigay ng tagumpay sa Pilipinas.

Ikinuwento rin ni Danica ang kanyang mga karanasan sa New York tulad na lamang sa tuwing makakakita ng mga celebrities gaya ng “Glee” star na si Lea Michelle.

Si Danica ay bumalik sa bansa para sa kanyang mga shows kaugnay ng Philippine Fashion Week. Matapos ang event ay agad din itong babalik sa New York para naman tuparin ang mga commitments bilang international model.

Bukas naman daw ang teen model sakaling may oportunidad na makasali siya sa show business sa Pilipinas.

Tinalo ng 17-anyos na si Danica Flores Magpantay ang mahigit 50 mga model contestants mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ang contest ay itinatag noong 1980 ng pamosong si Eileen Ford, ang may-ari ng “internationally best known modelling agencies in the world.”

Si Danica ay Fine Arts student ng University of the Philippines.

Kabilang sa iuuwing panalo ng Pinay beauty ay ang modeling contract na nagkakahalaga ng $250,000 o tinatayang nasa P12 million.

Ang ina ni Danica na si Lala Flores ay may hawak din ng Ford Supermodel-Philippines title noong 1990.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply