Supplier ng tobats (shabu) ang utol daw ni chairman

KAPATID ng isang barangay kapitan ng Sta. Cruz, Maynila ang umano’y notoryus na suplayer ng shabu sa kanilang barangay at kalapit pang mga barangay.

Totoo man o hindi, dapat na magpaliwanag ang binabanggit na tserman na nasa Tambunting St., Sta. Cruz.

Kung totoo, bakit nagagawang makapag-suplay ng shabu ang utol nito sa kanyang barangay?

Isang alyas Tibo umano ang utol ni Tserman na suplayer ng tobats o shabu sa kanilang barangay at iba pang mga barangay.

Bakit niya pinapayagang dungisan ng kanyang utol ang malinis niyang pangalan?

O Chairman, basahin ninyo ang nilalaman ng text message sa akin.

Gud eve, Mr. De Sabog. Pakibanatan mo nga sa kolum mo itong notoryus na suplayer ng shabu na si alyas Tibo na kapatid ng  chairman namin sa Barangay 373 Tambunting St., Sta Cruz, Manila.

Masyado nang perwisyo ang kapatid na ito ni tserman. Hindi mapuksa ang paglaganap ng shabu sa aming barangay dahil nga sa utol ni tserman ang siyang supplier dito. Sana, Sir Johnny, maiparating ninyo ito sa aming PS3 Station Commander na si Supt. Afalia na walang ginawa kundi ang magpakolekta ng ‘tong’ sa mga sugalan at vendor.

LOTENG SA MARIKINA SI HEPE ANG NINONG

Hindi matinag sa kaharian ni Marikina Mayor Del De Guzman ang operation ng loteng ni Don Ramon na pinamamahalaan ng isang alyas Noy.

Hindi natin alam kung bakit hindi kumikilos si Marikina chief of police Supt. Gabriel Lopez para hulihin itong loteng ni Don Ramon sa kanyang teritoryo.

Wag ninyong sabihin na “naka-tongpats” si Supt. Lopez sa sugalan na iyan.

Para na raw ligal ang operation ng loteng ni Don Ramon sa Marikina dahil lantaran daw na nagpapataya ang mga kubrador.

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 09189274764,09266719269 o email juandesabog@yahoo. com.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply