Supply ng droga mula sa Bilibid pinatotohanan

MAKARAAN ang pagpuslit ni dating Gov. Antonio Leviste sa kanyang kinlalagyang kulungan, ibinulgar naman ng isang babaeng nadakip na drug pusher na nagmumula ang kanyang suplay na droga sa isang detainee sa New Bilibid Prison (NBP).

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Information Officer Derrick Carreon, nakatanggap sila ng mga impormasyon na mayroong nagaganap na drug trade sa mga bilangguan kung saan nagmumula pa ang mga ito sa loob ng kulungan at ibinebenta palabas.

Sinabi naman ni  PDEA Director General Jose Gutierrez Jr. ng Cordillera Administrative Region, lumabas sa kanilang ginawang imbestigasyon na inamin ng suspek na si Aileen Ircullo Saavedra na ang supplier ay nagmula sa Sablan, Benguet at palaging bumibiyahe sa Baguio City para kumuha ng iligal na droga sa NBP.

Ang suspek na si Saavedra, 23, tubong Zamboanga City at residente ng No. 32 Bagong bayan, Happy Glen Loop, Baguio City ay naaresto makaraan ang isinagawan buy-bust operation ng PDEA-CAR malapit sa kanyang bahay noong nakaraang Mayo 11.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang dalawang sachet ng shabu na tumitimbang ng 0.21 gramo na nagkakahalaga ng P2,000.

Lumabas pa sa imbestigasyon na si Saavedra at ang kanyang live-in partner ang responsable sa pag-bebenta ng droga at Happy Glen Loop Area at ang kanilang kliyente ay maramihang out-of-school youth.

Ang kanilang mga parukyano ay bumibili ng droga sa pamamagitan ng text message o tawag sa telepono at kukunin na lamang ang biniling droga sa bahay ng mag-live-in partner.

Sa kabila nito, naniniwala ang PDEA sa kakayanan ng Bureau of Corrections (BUCOR) at Department of Justice (DOJ) upang matuldukan na ang nasabing gawain. Amor Virata

 

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply