Supply ng tubig kukulangin ng 40 porsiyento sa 2030

NAGBABALA ang mga eksperto sa climate change na ang mga malubhang pagbabago sa panahon at ulan ay magpapalala sa kasalukuyang kakulangan sa pagkain at tubig, hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa kabuuang Asya.

Sa ginanap na 44th Annual Meeting ng Board of Governors ng Asian Development Bank (ADB) na ginanap sa Hanoi, Vietnam, inilabas ang babala upang imulat ang mga bansa sa nakaabang na taggutom at tag-tuyot sa hinaharap.

Ayon sa pag-aaral ng ADB experts, ang pangangailangan sa tubig ay hihigitan ang supply nito ng 40 porsiyento sa taong 2030, kung kaya’t pinaaalalahanan ang mga bansa sa Asya na ipairal ang epektibong management ng mga baha at tag-init.

Ayon sa bise presidente ng ADB na si Ursula Schaefer-Preuss, kung hindi lubusang pagtuunan ng pansin ang magkaka-akibat na isyu ng tubig, pagkain at climate change, at magplano malayo pa ang panahon, masasayang ang mga napagtagumpayan ng laban sa kahirapan.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply