Survey ng major networks puros kasinungalingan lang ba?

NA-NOTICE namin na dalawang survey organizations sa bansa ang nag-aaway-away tungkol sa kung sino ang mataas sa mga major network ratings. Dalawa lang ang tinukoy dito na major research companies na para bagang magkaribal na ABS-CBN 2 vs GMA 7

Klaro na kapag ABS-CBN, ang survey ay gawa ng Kantar something, at kapag GM-7 ay gawa ng Nielsen something. To be fair tingnan natin ang Kantar survey ng mga programa ng ABS-CBN. Isusunod naman natin ang survey ng GMA-7 kahit medyo nakakabaliw isipin. Gusto mong sumigaw ng “sino ba talaga ang nagsasabi ng totoo sa inyo?”

Anyway, pakinggan naman natin ang side muna ng ABS-CBN. Base raw sa datos ng Kantar Media, patuloy na tinatalo nila ang lahat ng networks sa primetime sa average audience share na 43 percent, mas mahigit ng 13 puntos sa 30 percent ng GMA. Lahat ng networks, ha take note! Di ba very sweeping statement ito?

Anyway pa rin, nakuha raw ng ABS-CBN ang walo sa sampung pinakapinapanood na programa sa Abril na hindi kasama ang Holy Week dahil hindi ito sinsama ng mga advertisers sa kanilang media plan at ang mga local network ay may ibang mga palabas.

Tumabla sa unang puwesto ang pinakatinututukang weekday primetime teleserye na “Mara Clara” at top-rater sa weekend na “Maalaala Mo Kaya” para sa buwan ng Abril na parehong nakatamo ng average national rating na 32.5%.

Pumangalawa naman ang “Mutya” na may 30.8% na sinundan ng “Minsan Lang Kita Iibigin,” na pinangungunahan ni Coco Martin, na may 30.7% at ang numerong talent-reality show sa bansa na “Pilipinas Got Talent” ay pumalo naman ng 29.3%.

Pasok din ang “TV Patrol” (25%), na kakabigay lamang sa inyo ng matagumpay na coverage ng kasalan nina Prince William of Wales at Kate Middleton at ang beatification ng ngayo’y Blessed John Paul II, at nananatili pa ring pinakakapanipaniwalang primetime newscast sa bansa.

Kabilang din sa top ten ang “Wansapanataym” (24%), “Rated K” (21.8%) at ang kakatapos lang na serye sa hidwaang bampira at lobo na “Imortal” (21.5%).

Sa pangkalahatan, umabot ng 36% ang national audience share ng ABS-CBN kumpara sa GMA na may 34%.

Nagsimulang maglabas ng TV ratings sa Pilipinas noong Pebrero 2009 ang Kantar Media.  May 1,370 panels o kabahayan ang Kantar Media/TNS sa Luzon, Visayas, at Mindanao na kumakatawan sa buong bansa.

Kasalukuyang naka-subscribe sa Kantar Media ang ABS-CBN, NBN, Sky Cable, J. Romero and Associates, Adformatix, Starcom, OMD, PhD, Mediacom, Mindshare, MEC, Maxus, Universal McCann, at Wellmade Manufacturing Corporation. Naka-subscribe rin sa kanila ang pan-regional networks tulad ng CSM Media Inc., Fox International Channels, Star HK, Discovery, AXN, HBO, MTV, at Sony Pictures Television International.

Lumipat sa Kantar Media/TNS ang ABS-CBN matapos magsampa ito ng kaso laban sa AGB Nielsen Media Research sa hindi nito pagsunod sa hiniling na imbestigasyon hinggil sa umano’y pandaraya ng datos ng kanilang TV ratings.  Kasalukuyang nakabinbin pa sa korte ang kaso. Ayan, yan ang sabi ng ABS-CBN.

Nasa inyo na kung paniniwalaan nyo sila. Sa susunod ay basahin naman natin ang panig ng GMA 7. I am syur na sa kanilang report sila rin ang number one. See, yun ang sinasabi nating nakakaloka talaga ang dalawang major networks na ito. Sino nga ba talaga ang nagsasabi ng totoo sa kanila?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply