Suspek sa pagpaslang sa Cagayan mayor timbog

NATIMBOG sa Ilocos Norte ng mga pulis ang matagal nang wanted na akusado sa pagpatay kay Mayor Nathaniel Onia ng Allacapan, Cagayan.

Nahuli si Suzeto Allenda, magsasaka, tubong Barangay Aglipay, Ilocos Norte, sa pagtutulungan ng intelligence office ng PNP Cagayan at ng Ilocos Norte Police Office.

Si Allenda ay isa sa mga suspek sa pagpaslang kay Onia noong 2006.

Ayon sa pulisya, nahuli ang suspek sa mismong bahay nito sa Pinili, Ilocos Norte sa bisa ng warrant of arrest.

Si Allenda at isang kapatid ang itinurong accessory sa pagpatay sa alkalde.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply