Susunod na Ombudsman dapat mag-imbentaryo ng tauhan

UMAPELA si Sen. Panfilo Lacson sa sinumang papalarin na maging susunod na Ombudsman na agad mag-imbentaryo sa mga tauhan at resources ng naturang tanggapan.

Ayon kay Lacson, unahin ang pag-iimbentaryo sa naturang tanggapan upang malaman kung totoong may midnight appointees si Ombudsman Merceditas Gutierrez bago ito nagbitiw.

Lumabas sa mga report na bago nagbitiw si Gutierrez ay nagsagawa umano ito ng midnight appoinment sa mga malapit sa kanya.

Ani Lacson, ang sinumang susunod na Ombudsman ay dapat lamang na suriin ang mga itinalagang mga tauhan at ang pondo nito.

Iginiit din ng senador na dapat tingnan ng susunod na Ombudsman kung posibleng inupuan nga ni Gutierrez ang mga kaso partikular ang may kinalaman sa nakaraang administrasyon upang mabigyan ng prayoridad ang pagresolba sa mga matagal ng mga kaso sa katiwalian na nakabinbin sa Office of the Ombudsman.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply