Sweet-imaged actress obsessed sa daks na singer

AKALA natin ay wala nang ugnayan sa isa’t isa ang sweet-imaged actress at ang boyfriend nitong manggagamit na singer dahil nu’ng mabulgar ang kanilang relasyon at pinagpiyestahan sila sa mga babasahin at nauwi sa hiwalayan ang magulo nilang relasyon.

Hindi mo talaga aasahang sila pa dahil si singer ay na-involve na sa iba’t ibang babae at maging sa bading, at isa nga sa pinatulan nito ay si baklitang TV host na napapanood tuwing umaga.

Kamukat-mukat mo heto ang balitang tinalakan ni madir si aktres dahil sa katigasan ng ulo nito. Hindi ito marendahan ng nanay sa kahahabul-habol sa singer. Mismong ang una pa raw ang pumupunta sa bahay ng huli.

Ang matindi pa nito, panay daw ang utang ng lalaking ito sa hibang na hibang sa kanyang aktres. Baka bukas makalawa baka raw ay mapurdoy na lang ang girlitang ito at mawala lahat ang kinita n’ya sa isang network kung saan isa s’ya sa paborito.

Ang masaklap nito,’yung magandang samahan nina madir at kanyang hija ay punung-puno na ngayon ng tensiyon dahil ayaw talagang paawat ang dalaga sa pakikipagtagpo sa lalaking marungis tingnan pero magaling sa churva.

Kaya hindi masisisi si aktres kung mabaliw man siya sa BF niyang ito. Unang-una, ito yata ang first love n’ya.

Pangalawa, na-develop siya ng husto rito dahil nagsama sila nang matagal sa isang proyekto sa telebisyon. (Pangatlo, daks si male singer. Hahaha!- Ed)

Doon din namin naintindihan kung bakit sa kabila ng tahimik at maganda naman ang bahay ng aktres, parating nasa hotel ang hitad. Ang rason nito, malayo raw kasi ang balaysung nila at sobrang trapik, kaya sa hotel na lang siya pumipirmi.

Ah…kaya pala, gustong nitong nagsosolo palagi para buwelo sila ng kanyang papang singer.

Pagsabihan mo nga ‘yan ate!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply