SWS kinuwestiyon sa resulta ng ratings ni PNoy

NAKAPAGDUDUDA ang pagbagsak ng trust ratings ni Pangulong Benigno Aquino III sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS), ayon sa isang senador na kaalyado ng administrasyon.

Ayon kay Sen. Francis “Chiz” Escudero, hindi kapani-paniwalang ang pagbagsak ng ratings ng Pangulo habang ang tumaas ay ang iskor ng mga miyembro ng Gabinete nito.

Taliwas umano ito sa pangkaraniwang pangyayari.

“Indikasyon ang approval ratings ni Pangulong na hindi sumasalamin patungo sa suporta sa Chief Executive ng kanyang mga opisyal,” giit ni Escudero.

Ipinakikita ng first quarter survey ng SWS na isinagawa noong Marso 4-7, 2011. na nagkaroon ang Pangulo ng +46 net satisfaction rating, bumagsak ng 18 puntos mula sa dating +64 ratings noong Nobyembre 2010.

Sa naturang survey, isinali ang miyembro ng Gabinete ng Pangulo na nagpapakita ng pagtaas kumpara sa ratings nila noong Nobyembre ng nakaraang taon.

“This result creates a discomfort. The survey rated the President along with another particular subset, in this case the Cabinet secretaries. What one sub-set does should reflect the other sub-set. But while the President’s men are gaining grounds, the President is losing steam. Something is amiss” ayon kay Escudero.

Sinabi ni Escudero na habang binabalewala ng opisyal sa Palasyo ang pagbagsak ng approval ratings ng Pangulo, hindi nila dapat isantabi ang katotohanan na ang gulugod ng Pangulo, na ang Gabinete nga, ay hindi nadadala ang Chief Executive patungo sa paghahatid ng tumpak na mensahe na may kinalaman sa kanyang pamamahala.

“The dip in the President’s rating is a paradox vis-a-vis his official family. While he visibly takes the heat for the flak happening around him, it seems his men take the credit for the good things and good news,” giit ni Escudero.

Dahil dito, inatasan ni Escudero ang communication team ng Palasyo na palakasin ang pagkilos sa pagkakalat ng tagumpay at pagpupunyagi ng gobyerno para sa bansa at mamamayan nito upang protektahan ang Pangulo laban sa taliwas na opinyon ng publiko.

“This way, people are assured that their government is sensitive to their needs, their welfare, that their President is on top of these efforts and labor to provide it to them,” ayon kay Escudero.

Idinagdag pa nito na: “The system of governance is parallel to communication system, they are two entities hard to separate.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply