Syrian national tiklo sa panggagahasa

ARESTADO ang isang Syrian National matapos akusahang nanggahasa at nangmolestiya ng kanyang tatlong saleslady.

Nakilala ang suspek na si Mahmoud Obid,38-anyos, residente ng Malate, Maynila at may-ari ng isang sari-sari store kung saan nagtatrabaho ang mga nagreklamo.

Ayon sa isa sa mga biktima na itinago sa pangalang “Inday,” nakipag-inuman umano sila sa kanilang among si Mahmoud noong Miyerkules ng gabi (Mayo 25). Sa kanyang tingin ay hinaluan ng droga ang kanilang iniinom dahil nakaramdam sla ng labis na pagkahilo.

Nang malasing umano ang tatlo ay sinamantala ni Obid ang pagkakataon na hinipuan ang mga biktima.

Umalis umano si Inday at ang isa pang kapatid dahil sa sobrang hilo at naiwan ang 15-anyos na bunsng kapatid.

Sa salaysay ng 15-anyos na biktima, nagulat na lamang siya wala na siyang bra at panty nang magising kinabukasan at nananakit na ang kanyang kaselanan.

Bilang depensa naman, ayon sa suspek, ginantihan lamang siya ng magkakapatid ng hindi niya maibigay ang hiling nitong halagang P5,000 bilang kabayaran sa nauna ng kaso ng pangmomolestiya na inihain ng mga ito laban sa kanya na dinismis naman ng piskal.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply