Taas presyo sa pandesal kinuwestyon ng DTI

IPINAG-UTOS ngayon, Huwebes May 12 ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga panadero na magpresinta ng sapat na katibayan para itaas ng piso ang presyo ng pandesal.

Ayon kay DTI Undersecretary Zenaida Maglaya, walang sapat na basehan para ipatupad ang price hike dahil sa ngayon ay nananatiling stable ang pangunahing sangkap sa tinapay tulad ng harina at asukal.

“Kung meron silang kadahilanan, kami ay nag-aantay ngayon ng kanilang official communication dahil stable naman sa ngayon ang presyo ng arina ayon sa monitoring namin,” pahayag ni Maglaya.

Ang kautusan ni Maglaya sa mga panadero ay kaugnay sa naunang pahayag ng Philippine Federation of Bakers Association (PFBA) na magtataas naman sila ng piso sa pandesal bagama’t bumaba ang presyo ng harina sa merkado.

Sinabi pa ni Maglaya, lumalabas sa ginagawang monitoring ng DTI na ang presyo ng harina ay nananatiling nasa maximum nf P920 kada sako.

“Kung meron silang new price list galing sa flour millers magandang ipakita sa amin para malaman ang pinagbabatayan nila sa kanilang statement na mag-increase sila June 1,” ani Maglaya.

Bukod dito, ipinagmalaki pa umano ng mga panadero sa kanilang huling pagpupulong na hindi sila magtataas sa presyo ng tinapay maliban sa Pinoy Tasty na tumaas na nitong nakaraang linggo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply