Taga-ARMM ba si Tingting?

PARANG gusto ko na yatang maniwala na may tampuhang namamagitan sa pagitan nina Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino at ng kaniyang tiyahin na si Margarita “Tingting” Cojuangco.

Bakit ko naman nasabi ito? Aba naman ay nag-file na kanyang kandidatura sa pagka-bise-gobernador ng Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) si Tingting kahit pa alam naman niya na ayaw ng pamangkin niyang si Noynoy na matuloy ang nakatakdang eleksyon sa ARMM sa Agosto ngayong taon.

Sa mga hindi pa nakakaalam ay asawa si Tingting ng tito ni Noynoy na si Jose “Peping” Cojuangco na utol naman ng nanay niya na si dating Pangulong Cory.

Base sa isinumiteng dokumento ni Tingting sa Comelec ay inilista niya ang kanyang tirahan sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

He-he! Mukha yata talagang gustong dumistansya ni Tingting sa kanyang pamangkin kung kaya’t kahit alam naman ng lahat na taga-Tarlac siya ay mas pinili pa niya na gawing address niya ang Maguindanao.

Baka naman kasi masama talaga ang loob ni Ma’am Tingting dahil balita ko ay sinibak siya ni Noynoy sa kanyang puwesto bilang presidente ng Philippine Public Safety College (PPSC) at hindi siya nag-resign gaya ng lumabas sa mga balita.

Siyanga pala di ba naging gobernador na din ng Tarlac itong si Ma’am Tingting? Eh, bakit ngayon ay bigla na lang niyang idineklara na taga Maguindanao siya?

Mukhang talagang nasa puso niya ang maglingkod sa bayan. Ano sa tingin mo pareng Ding Ladayo?

Joking aside,hindi ko alam kung ano ang tunay na motibo ni Ma’am Tingting sa pagtakbo niya sa ARMM,  pero ang sigurado ako ay may punto si Pangulong Noynoy sa pagsang-ayon niya na i-postpone muna ang halalan at isabay na lang ito sa May 2013 midterm national elections .

Gusto kasing baguhin ni Noynoy ang kultura ng pulitika sa ARMM gaya ng patronage politics , paggamit ng command votes at ng malawakang dayaan at korapsyon tuwing may halalan sa nasabing rehiyon.

At alam ni Pangulong Noynoy at ng mga lehitimong mga residente sa ARMM na  gaya nga ni pareng Macalinding Ladayo na magagawa lamang ito kung mabibigyan ng sapat na panahon ang kasalukuyang administrasyon na ipatupad ang mga kinakailangang reporma doon.

Nakalatag na din kasi ang mga plano para linisin at tuluyang ibahin tungo sa mas maganda ang imahe ng ARMM.

At upang matupad ang layuning ito, unang-una ay dapat linisin ang listahan ng Comelac at ganun din ay magtalaga ng pansamantalang mga mamumuno sa rehiyon na magpapatupad ng mga programa ng administrasyong Aquino.

Mismong ang mga taga ARMM na ang humihiling ng postponement gaya ng grupong Reform ARMM Now (RAN) at dahil sila ang boss ni Pangulong Noynoy ay obligado siya na sundin sila.

Maliban na lang kung boss din ni Pangulong Noynoy ang tita Tingting niya . Siyanga pala,
taga ARMM ba talaga si Tingting?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply