Tagalog ang gamitin sa pagtalakay sa RH bill

MAS makabubuti kung wikang Tagalog ang gagamitin sa pagtalakay sa Reproductive Health (RH) bill sa Kamara upang mas maraming Filipino ang makaunawa dito.

Ito ang apela ng mga obispo ng Simbahang Katoliko sa mga mambabatas kasunod nang ginagawang pagtalakay sa naturang panukalang batas sa Kamara.

Ayon kina Jaro Archbishop Angel Lagdameo, Caloocan Bishop Deogracias Iniguez at Sorsogon Bishop Arturo Bastes, mahalagang gamitin ang Tagalog dahil maraming ordinaryong mamamayan ang hindi nakakaintindi ng wikang Ingles.

Naniniwala rin ang mga obispo na mas mabuting maunawaan ng masang Pinoy ang mga nilalaman ng panukala dahil sila ang higit na maaapektuhan oras na ito ay maisabatas.

“Importante kasi na mauunawaan ng maraming Filipino ang mga nilalaman ng RH bill lalo na ang epekto ng mga contraceptives sa kalusugan ng mga babae,” nagkakaisang pahayag ng mga obispo, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply