Tainga ng parak sa Baguio punit sa snatcher

NAPUNIT sa saksak ang tainga ng isang pulis nang buweltahan ng holdaper na kanyang sinuntok dahil sa pagnanakaw sa cellhone ng misis ng una sa Baguio City.

Isinugod agad sa ospital ang biktimang si C/Insp. Enrique Sagaydo Ennangen,  miyembro ng PNP-Cordillera na nakadestino sa Camp Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet.

Nakatakas naman ang hindi nakilalang suspek na miyembro ng agaw cellphone gang.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong 5:30 ng Linggo ng hapon sa Otek St. sa siyudad ng Baguio.

Bago ito, naglalakad ang mag-asawa sa tapat ng isang parking area sa Chanum St. nang biglang hablutin ng suspek ang cellphone ng kanyang misis.

Naabutan naman ni Ennangen ang suspek na kanyang sinuntok sa mukha kaya nabawi ang cellphone. Pero bago pa man tuluyang madakma ang huli ay sinaksak na siya ng holdaper na tumama sa tainga ng parak bago tumakas.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply