Taiwan nagbabala sa pagdating ni bagyong ‘Aere’

NAGPALABAS na ng babala ang Taiwan sa kanilang mamamayan at mga magdaragat sa pagpasok ni tropical storm “Aere” (“Bebeng” sa Pilipinas)

Ayon sa Taiwan’s Central Weather Bureau, ang bagyo ay namataan sa 404 miles (650 kilometers) sa katimugang bahagi ng bansa ngayong Lunes ng umaga, Mayo 9, at kumikilos sa hilaga sa bilis na 11 miles (18 kilometers) per hour.

Inabisuhan ng kagawaran ang lahat ng sasakyang pandagat sa Bashi Channel sa timog karagatan na mag-ingat sa malakas na buhos ng ulan at alon na dala ni Aere na maaaring tumamasa silangan at katimugan ng kanilang bansa hanggang mamayang hapon

Ang bagyong Aere ay nanalanta sa hilagang silangan ng Pilipinas kahapon (Linggo) at kumitil sa siyam na tao. Dahil din sa nasabing bagyo na nagdulot ng landslide at flashflood, lumikas ang 100,000 katao sa kani-kanilang tirahan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply