Taiwan tinaningan sa kontaminadong produkto

TINANINGAN na ng Department of Health (DoH) ang Health Department ng Taiwan na isumite ang mga listahan ng kanilang produkto na kontaminado ng Di-(2-ethylhexyl) phthalate (DEPH) makaraang makalusot sa Pilipinas.

Ang ultimatum ay hanggang ngayong araw na lamang upang magbigay ng listahan ng kanilang produktong may taglay na kemikal na mapanganib sa kalusugan ng tao.

Ayon kay Director Eric Tayag ng DoH National Epidemiology Center, kung mabibigo ang Taiwan na ihain ang listahan ay mapipilitan sila na gumawa ng paraan para tanggalin sa merkado ang lahat ng produktong may DEPH na kemikal mula sa naturang bansa.

Kabilang sa mga ipina-recall na produktong galing sa Taiwan ay ang fruit juices, soft drinks at jellies.

Ang mga nabanggit na produkto ay klasipikadong carcinogenic kung regular na makakain o maiinom.

Ipinaliwanag pa ng DOH na ang DEHP ay ginagamit bilang plasticizer sa paggawa ng intravenous bags at tubing, blood bags, infusion tubing at nasogratric tubes. Ang mababang dosage ng DEHP ay karaniwang ligtas pero ang mataas na dosage o matagal na exposure ay nakasasama sa kalusugan.

Ang mga bata na palaging nalalantad o nakakakain ng may sangkap na DEHP ay maaaring makararanas ng testicular at fertility problem at pagkalason ng kidney.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply