Talamak na bentahan ng shabu sa Calamba City

SA Brgy. Real, Calamba City ay talamak daw ang bentahan at paggamit ng shabu at marijuana pero wala raw ginagawa ang pulisya rito.

Tinatanong ng mga taga-Calamba City kung ano ang aksyon ni Calamba City Mayor Jun Chipeco para  masugpo ang talamak na pagbebenta at pagsa-shabu ng mga tambay sa nasabing barangay.

Maging si Calamba City chief of police Supt. Joel Pernito ay walang ginagawa para mapatigil ang talamak na bentahan ng shabu sa kanyang nasasakupan.

Anong klaseng mga lingkod-bayan ang mga lider na ito kung wala silang ginagawang aksyon para masugpo ang  talamak na bentahan ng droga sa mga sakop nilang lugar?

Basahin natin ang nilalaman ng text message ng isang taga-Calamba.

Sir Johnny, ako po sana ay magsusumbong sa inyo ukol sa mga katarantaduhan ng mga tambay rito sa aming Brgy. Real, Calamba City.

Talamak ang bentahan at paggamit ng shabu at marijuana.

Sana ay matulungan ninyo kami rito dahil pinangangambahan  namin na baka pagdating ng panahon ay maging adik na rin ang aming mga anak.

Bakit walang ginagawang aksyon si Mayor Jun Chipeco para mapatigil ang talamak na bentahan ng shabu rito?

Maging ang kapulisan ay hindi rin kumikilos. Salamat.

VK AT LOTENG SA RIZAL DI MAPUKSA

Patuloy ang operasyon ng mga video karera ng grupo ni Bong Sola sa Cainta Rizal. Bukod sa mga VK ay may loteng din na inoo-perate itong si Bong Sola.

Hindi kumikilos ang pulisya sa Cainta dahil malaki ang ibinibigay na lagay ni Bong Sola sa mga ito.

Si Bong Sola ay kilalang untouchable na gambling operator sa lalawigan ng Rizal.

Marami sa mga pulis ng Cainta ang naka-umbrella sa mga VK ni  Bong Sola. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply