Talunang kandidato maitatalaga na

MAAARI nang maitalaga sa mga posisyon sa pamahalaan ang mga natalong kandidato noong May 10, 2010 presidential elections dahil mamatapos na sa Mayo 11 ang one-year ban sa mga ito.

Ito ang inianunsiyo ng Commission on Elections (Comelec) kasunod nang pagtatapos ng one-year ban sa pagtatalaga ng mga natalong kandidato sa nakaraang halalan sa anumang pwesto sa pamahalaan sa Mayo 11.

“The ban ends on May 11 so those who lost in the elections may already be appointed,” ayon kay Comelec Commissioner Rene Sarmiento.

Sinabi ni Sarmiento, malinaw na nakasaad sa Section 6, Article 9 ng 1987 Constitution na ang sinumang natalong kandidato sa halalan ay hindi maaaring maitalaga sa anumang posisyon sa gobyerno at government-owned and controlled corporations sa loob ng isang taon matapos ang eleksyon.

“No candidate who lost in any election shall, within one year after such election, be appointed to any office in the government or any government-owned and controlled corporations or in any of their subsidiaries,” bahagi ng Section 6 Article 9 ng Saligang Batas.

Gayunman, sa oras na matapos ang ban ay maaaari nang maitalaga ang mga ito sa mga government position.

Sinabi ni Sarmiento na layunin nito na maiwasan na mapuno ng mga talunang kandidato ang byurukrasya.

“The rationale for that is to prevent the bureaucracy from being populated by those who lost in an election, to somehow give the bureaucracy some breathing space,” ani Sarmiento.

Isa si dating Senador Mar Roxas, running mate ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III, sa mga maugong na mabibigyan ng pwesto sa gobyerno sa sandaling matapos ang ban sa Mayo 11.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply