Tama ang pagpapadeport sa mga Taiwanese- De Lima

IPINAGMALAKI ni Justice Secretary Leila de Lima na walang pagkakamali ang Department of Justice (DOJ) nang aprubahan nito ang pagpapadeport sa 14 na Taiwanese sa Mainland China noong 2010.

Ito ay matapos na ibasura ng Court of Appeals (CA) 16th division ang petition for habeas ng corpus ng mga nadeport.

Iginiit ni De Lima, ang pagpapadeport sa 14 na Taiwanese ay base lamang sa kanyang best professional judgement, at iyon ay ibinatay sa mga dokumentong isinumite sa kalihim ng Bureau of Immigration (BI), National Bureau of Investigation (NBI) at ang rekomendasyon ni Undersecretary-in charge Jose Vicente Salazar.

Sinabi ng CA, sa kabila ng defective ang search warrant at pag- aresto sa naturang Taiwanese, hindi iyon sapat na dahilan para pagbigyan ang petition for habeas corpus dahil mayroon ng kasong paglabag sa Philippine Immigration Act na isinampa laban sa mga ito na nagba-validate sa arrest, detention at deportation nila.

Sa kabila ng pagbalewala ng immigration sa petition for habeas corpus ay naitama na ang lahat ng depektong nagawa ng Immigration makaraang kasuhan ang mga dayuhan, bukod pa sa umiiral na one China policy.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply